In My Family walo kaming magkakapatid, anim na girls at dalawang boys, at good to say I'm the youngest among the girls. At first masaya maging bunso dahil pwede ka mangulit sa mga elders mo at paborito pa ng isa sa parents. Kadalasan ako laging nakakasama sa mga lakad ng tatay ko malayo man o malapit, maganda daw ako pasamahin sabi ng tatay ko when I was young kasi daw hindi daw ako mareklamo isang scoop lang daw ng ice cream katapat ko at Ok na lahat ng pagod ko kahit naglalakad lang kami papuntang market. Sa age na na yun Ok pa lahat sa akin hanggat nag iba na nung medyo nakakapic-up na ako ng instruction at pwede ng utos-utosan.
Every morning ako ang taga bili ng pandesal sa bakery na kailangan kong lakarin for about 20 minutes lang naman in 6 in the morning. At dir in pwede pumalag sa mg autos ng mga ate katulad ng pagbili ng pagkain sa tindahan paghatid ng kung ano-ano sa mga kaibigan nila. Minsan Ok lang pero minsan naman nakakapagod na din at istorbo lalo na pag naglalaro ka at bigla kang tinawag para utosan.
Medyo nalessen lang ang pag uutos sa akin ng mga kapatid ko nung magdalaga na ako, napasa na sa bunso namin na lalaki yung every morning na pagbili ng breakfast sa bakery, ang bagong task naman sa akin ay yung paglaba ng sarili kong damit at paghugas ng pinggan at paglinis sa bahay. Dati naiinis talaga ako sa mga Gawain na yan until narealized ko na buti na lang natrained ako nung bata pa ako dahil ngayon lahat ng Gawain sa bahay kayang-kaya.
No comments:
Post a Comment