Friday, February 27, 2009

I LOVE THE ORPHANS

Nurol Eman Orphans

Dar Asim Orphans


Alhamdulillah sukor sukor kano Allah (S.W.T) ka nakaamong ako kanu Organization a Ittihadun Nisa a isa kanu mga Organization sya sa Mindanao a pagilay kano mga Wata a mga Ilo sya sa Mindanao.

Alam ko na hindi madali sa isang bata ang mawalan ng Ama o Ina, naranasan ko ito nang mawala sa akin ang The Best Man in my Life ang aking ama. 15 years old ako noon nung iwan kami ng aking ama dahil sa sakit na Diabetes, matagal din nyang nilabanan ang sakit na yun hanggang dumating sa puntong di na nakayanan nang kanyang katawan at bumigay na ito dahil sa pagdurugo ng organs sa loob ng katawan nya. Kahit masakit wala na kaming magawa at kailangan na lang tanggapin dahil lahat ng tao dun din lahat patungo "una unahan lang" sabi nila.

Everytime magkakaroon kami ng activity with the Orphans lagi akong nagbibigay ng time at gumagawa ng paraan para makasama sa activity na yun, diko rin maintindihan kung ano ang nararamdaman ko everytime nakikita ko mga orphans na nakangiti dahil sa dala naming supplies or pagkain sa kanila, kahit gaano kaliit at kalaki ang binibigay namin sa kanila sobra sobra pa din ang pasasalamat nila sa amin.

Alam ko na nahihirapan ang mga orphans sa mga Orphanage Centers pero wala silang magawa dahil yun lang ang paraan para makasurvive sila at makatapos sa pag aaral with the help of concerned organization.

Jazakumullahu khayran sa mga tao at Organization na di pa rin tumitigil sa pag support sa mga orphanage centers dito sa Mindanao, sana di kayo magsawa sa pagtulong Balasana kanu nu Allah sa mapya sya sa Dunya taman sa Akhirat.

1 comment:

Anonymous said...

mindanaomyhome.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading mindanaomyhome.blogspot.com every day.
cash advance loans
payday loans